Huwebes, Disyembre 8, 2016

Tula: Ang Aking Mga Magulang

Sa mundong ito, simula nang ako'y mabuhay
Si Mama at Papa naming nagbigay ng magandang buhay at umalalay
Nagsakripisyo samin nang ginhawa'y maialay
Sobrang nagpapasalamat sa D'yos na gumawa ng buhay


Sa mundong puno ng lungkot at problema
Hindi nila ko hinayaang mag-isa at walang kasama
Saan man tumingin ang mga mata
Saan man mapadpad ang mga paa


Nariyan lagi ang aking pamilya
Nagpapasalamat ako sa mga magulang ko
Mula sa araw ng aking pagsilang, sila'y nasa tabi
Hindi nila ko hinayaan hanggang sa ako'y lumaki


Laking pasasalamat ko sa kanilang pag-aalaga
Bilang kapalit ako ay magpupursigi
Hindi ko man ipakita ang pagmamahal
Alam kong nararamdaman ito ng kanilang puso.


Gawa ni Kyla Artison




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento