Di Mo Masilip Ang Langit (1981)
-Benjamin Pascual
Tauhan
Asawa ni Luding- nakulong dahil sa galit sa mga taong hindi tumulong sa kanyang asawa na manganganak
Luding- mabait at mapagmahal na asawa
Mr. & Mrs. Cajucom- tumulong sa mag-asawa
Doktor at Nars
Tema
hindi wastong pagtrato sa mga nakakababa na mga tao.
Tagpuan
Barung-barong
Hospital
Loob ng Kulungan
Buod
Ang kwentong ito ay tungkol sa lalaking nakulong dahil sa isang pagkakamali. Nag dilim ang kayang paningin at nawala siya sa sariling katinuan nang dahil sa mga doktor at nars na hindi man lang tumulong mapa-anak ang kanyang buntis na asawa. Dahil sa galit, sinunog niya ang hospital sa pag-aakalang makakaganti na siya sa mga ito.
Pagsusuri
Uring Pampanitikan
Ang uri ng panitikan na ito ay isang maikling kwento kung saan naglahad at nagsalaysay ang may akda ng mga pangyayari sa kwento.
Istilo ng Paglalahad
Ang istilo ng paglalahad ng may-akda ay panunumbalik ng isip kung saan inilahad ng may-akda ang mga pangyayari sa kasalukuyan hanggang sa paglalahad nito ng mga pangayayari sa nagdaan niyang karanasan. Ikinuwento ang dahilan kung bakit nakulong ang pangunahing tauhan rito.
Mga Dulog Pampanitikan
Moralistiko
Ipinakita sa akda ang pag-sasawalang bahala ng mga taong nakapaligid sa kanya, hindi nila binibigyan ng halaga ang pakiusap ng tao na humihingi ng tulong.Ipinapakita rin dito ang ibang pag-uugali ng mga nakaka-taas sa mahihirap tulad ng pang-aapi rito.
Sosyolohikal
Ipinakita sa akda ang ugnayan ng tao sa kanyang kapwa at suliranin na madalas na nakikita sa ating lipunan.Ipinapakita rito ang makikisalamuha ng mga mahihirap sa mayayaman kung saan madalas na makikitang inaapi ng mga mayayaman ang mga mahihirap tulad ng ipinakita sa kwento.
Sikolohikal
ipinapakita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong pag-uugali dahil may nag-uudyok na gawin ang isang bagay.Tulad sa nangyari sa kwento, dahilan sa pag wawalang bahala ng mga taong kanyang hiningian ng tulong, nagkaroon ng hinanakit sa kanyang puso.
Arketipal
sa dulog pampanitikan na ito ipinakita ang mga simbolismong nakapaloob sa akda na ito.
Kalabaw- simbolismong Pilipino,katangian na ipinapakita ng pangunahing tauhan sa pagiging masipag at matiyaga sa trabaho upang masustentuhan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
Buwaya- ito ay ang mga taong gahaman sa pera at hindi tutulong hangga't walang kapalit.
Bisang Pampanitikan
Bisa sa Isip
'Ang nawala ay hindi na maibabalik'. Ito ang tumatak sa aking isipan nang matapos ko itong mabasa, Bagamat alam na niyang hindi na maibabalik ang kanyang anak, gumawa pa rin siya ng paraan na alam niyang hindi tamang gawin. Kaya sa bandang huli ay nagsisi siya, At sa aking pagsusuri napag-alaman kong hindi nga pantay ang pamumuhay sa ating lipunan, ngunit gayunman ay nararapat bigyan natin ng halaga ang mga taong nangangailangan ng pagmamalasakit at pag-unawa.
a.Bisa sa Damdamin
Matapos kong mabasa ang akdang ito ay nakaramdam din ako ng galit tulad ng pangunahing tauhan sapagkat,hindi man lang tinulungan ng mga nars at doktor ang kanyang asawa sa panganganak at hinayaan mamatay ang bata.Nakakalungkot isipin na kung sino pa ang taong nasa mataas na antas ay siya pang walang pagmamalasakit sa kanayang kapwa.
b.Bisa sa Kaasalan
'Hindi maitatama ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali'. Sa ginawa ng pangunahing tauhan sa akd, alam niyang hindi makatarungan ang ginawa sa kanyang asawa ngunit mas mali ang naisip niyang paraan. Marapat na idaan nalang sa legal na pamamaraan at hindi sa maling pamamaraan.
Isang pagsusuring basa para sa kwentong 'Di Mo Masilip Ang Langit'